COUNTDOWN, EEK!

This free script provided by
JavaScript Kit

Ang buhay summer..

11:26 AM / Posted by ana Ü /

10.04.09
Malapit na ang pasukan. Lalala.. Mamimiss ko bahay namin. :(

Lately, narealize ko.. Wala akong naitutulong sa bahay masyado. Natulong lang ako kapag pinipilit o kaya pag nagagalit na nanay ko.

Ang dahilan ko(at ng karamihan dyan): Bakasyon eh. Dapat naman may pahinga. Pagod buong taon sa school tapos pati ba naman bakasyon, papagawain niyo ko. -_-

Pero kung iisipin.. Sila din naman busy buong taon ah? Nagtratrabaho sila. Mas mahirap nga yun kesa sa pag-aaral eh. Kapag nag-aaral kasi, makikinig ka sa teacher mo tapos magpapakabait ka lang at iintindihin yung lessons. Eh sila? Kung anu-anong chever pa ang inaatupag kapag nagtrabaho. Ay, depende pala yun sa trabaho ng nanay at tatay niyo. :D

Haii.. Pero minsan naman kasi, gusto mong tumulong. Nakakatamad lang talaga. Parang out of our way.. Lalo pa't ang gusto lang natin gawin madalas ay humilata sa kama, kumain, magtext, gumala, magsoundtrip, magbabad sa telepono, manuod ng DVDs at tumulala sa wala.

Lalala.. Masyado na kong natatamaan sa post ko. Pero seriously, our parents need an extra hand. Lalo na kung wala kayong helper. :)

TIP: Try nyo bumangon ng maaga tapos kung tulog pa parents niyo, pagluto niyo sila ng breakfast. ;) Kahit simpleng meal lang. Spam with eggs and rice. Mmm.. Sarap.

0 comments:

Post a Comment