05.28.09
Hindi ko naman sinasabing tama ako ah. :D Pero ito yung napansin kong pagkakasunodsunod na reaksyon/pagtingin sa iyo ng tao kapag nagdradrama ka a.k.a. nag-eemo. :P
1) Pagtatawanan ka nila at kakantyawan ng "EMOOO." Hindi kasi nila alam na seryoso ka sa nararamdaman mong pagkalungkot. Iisipin nila, nagdradrama ka lang talaga. Palibhasa kasi, hindi nila nararamdaman ang nararamdaman mo dahil hindi naman nangyari sa kanila ang nangyari sa iyo.
2) Pag narealize nila na seryoso ka sa sinasabi mo, kakaawaan ka nila at makikiramay. They'll try to make you feel better and spend as much time with you as possible. Lalo na kung lumaki na yung isyu na emo/may problema ka. :D
3) Eventually, magsasawa din sila magcomfort. Lalayo at kung ano-ano na ang sasabihin. At ikaw, maiiwan ka nanaman mag-isa. Tapos kapag may bago kang pinagsabihan, babalik ka nanaman sa number 1.
Syempre.. Yung mga problema, madalas nasosolve sa number 2. Lalo na kung yung ugat ng problema mismo yung nag-ayos. Tipong.. Halimbawa, magkaaway kayo ng kapatid mo, kapag nagkaayos kayo ng kapatid mo, ayos na. Or kapag mag-kaaway kayo ng tropa mo, hindi naman yung pamilya mo yung makakapag-ayos nun di ba? Kasi yung problemang yun, sa inyo ng ka-tropa mo. :) Bale.. Kayo at kayo lang din ang dapat umayos nun. Yung pamilya, sasaya ka nga sa piling nila pero hindi pa rin mawawala yung bigat nung maliit na away niyo ng tropa niyo. Haha.
..at syempre wala nanamang sense itong post na ito. :P
WOOH! Lapit na magpasukan! Three cheers for school! Next post, "Reasons why school is cool. ;)". HAHAHA.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)

0 comments:
Post a Comment