Tiwala sa diliiiim..

9:23 PM / Posted by ana Ü /

06.30.09

Hindi ko na alam. Minsan naiisip ko na lang na innate na sa human beings na maging tanga paminsan minsan. Parang hindi natututo sa pagkakamali. Parang yung example nung prof ko sa Spcm1 kanina:

"Ang tao kapag nasa isang relasyon tapos nasaktan, magbrebreak sila. After 3 months (Rule of Break-Ups.), may panibagong ka-relasyon nanaman na "mahal" niya syempre. Tapos after some time, masasaktan uli at makikipagbreak. After 3 months.. Ayun nanaman uli."

Baka sabihin niyo, ang tanga naman nun. Dapat maghanap na lang siya ng hindi makakasakit sa kanya. Oo, tanga nga. Pero sa realidad, malamang sa alamang, madalas nangyayari to. Tipong nagtitiwala tayo uli sa mga nakadapa sa atin.. Parang ganun. Mmm..

Masarap namang magtiwala eh. Kaso nakakatakot din paminsan.. Di mo kasi alam kung pahahalagahan ng mga taong pinagkakatiwalaan mo yung tiwalang nilalaan mo sa kanila.

Ikaw, mapagkakatiwalaan ka ba?

Ako, oo. Lalo na sa mga sikreto mo at mga problema mo. Ewan ko.. Nasanay na kasi akong respetuhin kung hanggang saan lang ako. (WEHH.) Wala, share ko lang. Hehehe.

0 comments:

Post a Comment