Libre :)

4:04 PM / Posted by ana Ü /

07.15.09

Kumukulog at kumikudlat dito. Takot ako. :(

Mmm.. May gusto akong ishare. :)

Eto ang listahan ng mga gusto kong matanggap/mangyari sana bago matapos ang sem na to. Haha. Medyo weird para sa ilan yung iba pero wala naman akong masyadong pakialam sa iisipin niyo unless iblog niyo rin. :)

1) Makatanggap ng 300 pesos ng walang dahilan.
2) Makatanggap ng isang bouquet ng bulaklak.
3) Makatanggap ng libreng yellow pad na makapal pa.
4) Mabigyan ng ballpen 'pag kinailangan ko.
5) Makatagpo ng isang makikipagkilala na lang bigla.
6) Makatagpo ng isang manlilibre bigla ng Cream-o.
7) Makasama ang B2 sa lima pang block dinner nila.
8) MakapagBowling ng 3 set na sunod sunod.
9) Makapagblock dinner ang block ko.
10) Makakuha ng line of 1 sa Math37 at SpCm1.
11) Makatanggap ng isang yakap na mahigpit 'pag malungkot ako sa mb.
12) Makapagpasaya ng isang malungkot na tao sa fpark.
13) Makapagsabi ng aking saloobin na wala pang nakakaalam.
14) Mapagsabihan ng saloobin ng isang taong nalulungkot.
15) Magliwaliw sa Glorietta kasama ang mga kaibigang tunay.
16) Makapagdesisyon kung mag-oorg pa ko o hindi.
17) Magtampisaw sa ulan. (As in tampisaw. :D)
18) Makapulot ng relo.
19) Makatanggap ng wallet na matino.
20) Makapagpost ng isang entry na may sense, 'di katulad nito. Haha.
21) Magkaron ng hit counter na bumabasa ng eksaktong 4339. Hehe. Hulaan niyo kung bakit.

Wala lang. Impossible naman yung iba dyan kaya 'di na ko masyadong naasa. Moreover, wala namang nagbabasa nito. Hahaha.

Libre naman mangarap. Sa ngayon, nangangarap akong mawala ubo ko. Hehehe.

Sige, ttfn. :)

2 comments:

Comment by ai-ban on August 2, 2009 5:40 AM

yikes, so nanunod ka ngayon ng hunterX hunter? haha :)

Comment by ana Ü on October 26, 2009 2:14 AM

Hahaha. Yep, tapos ko na dati pa. Pati manga! :D

Post a Comment