Hindi, hindi, hindi.

9:29 PM / Posted by ana Ü /

08.12.09

Hindi ko alam kung bakit pa ko nagbloblog. Hindi ko alam kung bakit hindi na ko nagugutom. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaconcentrate sa klase. Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot ng sobra kapag nagawa ako ng something na related sa acads. Hindi ko alam kung bakit tinatamad na ko pumasok. Hindi ko alam bakit ako nagtatanong ng paulit ulit sa sarili ko kahit na alam ko naman na yung mga sagot sa ganung mga tanong. Hindi ko alam kung dapat pa ko magtaka kung bakit ganito ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit nakakarelate ako sa nararamdaman ni Ichi. Hindi ko alam kung bakit ang haba ng sinusulat ko tapos puro "Hindi ko alam.." and simula. Hindi ko alam.

Gusto ko sigurong magsorry ngayon sa mga taong hindi ako lubusang kilala. Kasi most probably, hindi talaga nila alam kung sino ako. At akala nila kilala na nila ako kasi yun ang pinaparamdam ko sa kanila. Hindi ko alam kung dapat ko pang sabihin itong mga to.

Ang lakas ng ulan. Parang yung tibok ng puso ko lang.. Ang lakas. Kinakabahan kasi ako. Yun nga lang.. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Today was suppose to be something special.

0 comments:

Post a Comment