05.26.09Although hindi ko masyado na-gets kung ano ang kaugnayan ng post ko at ang comment ni Ivan.. Natuwa pa rin ako. Hehehe. Kasi totoo in a way yung sinabi niya sa comment niya. :) And I'm pretty glad that there's somebody else who feels the same way.
Eto yung comment ni Ivan:
Being different is not that bad. alam mo ba na ang mga indifferent people na hindi nagpapainfluence sa kanilang environment ay mga managerial candidates? Pero, yun nga, may mga times na dapat i-aaccept ang mga facts na nandiyan na pero as far as I know, mas mabuti maging different or stay the way you are by sticking with your own principles. At least may pinanghahawakan kang identity na masasabi mong ganon klase kang tao. The important is, your true to yourself.
Anung use kung you do the right decisions nga kaso you go with the flow, diba meaningless rin? Also, hindi mo naman malalamang mali ang isang bagay hangga't hindi mo sinusubukan gawin. It's all in the matter of decision making.
Nagiging anxious ka lang cguro sa sarili mo kaya mo nararamdaman yang recent "tipong..." mong yan.
I think lang na BAKA ito ang description ng nararamdaman mo:
You are feeling trapped by the situation as it stands at this time and what is more, you feel powerless to remedy it. You are stressful, angry and disgruntled. You feel that everything that you try to do to change the situation is thwarted and your hopes and aspirations all seem to be receding into the ever distant future. You have reached the state where you now doubt whether your dreams will ever be achieved and this is not only causing mental stress but heartache. You need to get away from it all - you need to have time to think, to recuperate, to be able to make your own decisions.
----------
kasama na diyan ang gamot. :P. Pareho lang tayo ng case kung ganyan nga nararamdaman mo. galing yan sa isang quiz about myself. goodluck for the both of us. and for the many years ahead. haha
HAHA. Hinighlight ko yung mga tumagos sa puso ko. :D
Feeling ko lahat naman tayo ay nakaranas na ng kababaan ng tingin sa sarili natin. Minsan kasi lahat ng ating gawin, parang mali. Kung hindi man mali, kulang naman. Tipong pakiramdam mo nga ay "You have to get away from it all." Usually, kapag niloko ako or kapag madami akong hindi maintindihan, yan yung bukambibig ko ~ "I have to get away from it all." Hindi naman nito maaayos ang problema kaya't natutunan kong dapat sabihin na "Kaya ko to. Ito lang eh. Mas malaki pa pag tumanda ako kaya dapat habang bata pa ko, hindi ko minamalaki yung problema ko."
Pero alam ko naman na nasolusyunan na natin yung mga problema niyo in your own way. Pero kung hindi pa..
1) Alamin mo kung ano talaga ang problema mo.
2) Aminin mo na problema mo yun. Wag mambintang.
3) Alamin ang pwedeng mga solusyon.
4) Kung alam mo na ang dapat gawin pero hindi mo kayang gawin:
4.1) Tanungin mo sarili mo kung ba't hindi mo siya kayang gawin
4.1.1) Kundisyunin ang sarili na kaya mo itong gawin. Kumbinsihin ang sarili na lahat ng tao ay dumadaan dito at kaya mo rin kung kaya nila.
4.1.2) Maging matapang at hamunin ang sarili. Sabihin sa sarili na hindi solusyon ang pagtakas.
4.2) Isipin mo mga mangyayari at hindi mangyayari kapag hindi mo yun ginawa
4.2.1) Kapag mas madaming magagandang madudulot ang paggawa nito, gawin mo na.
4.2.2) Kapag mas madaming magagandang madudulot ang paggawa nito pero hindi mo talaga kaya, ulitin ang 4.1.
4.3) Isipin mo kung kailangan mo ba talagang gawin yun
4.4) Kapag hindi mo talaga kaya, sumuko ka na. Tanggapin mo na hindi mo na magagawa yun mag-isa.
4.5) Kapag natanggap mo nang di mo kaya gawin mag-isa, humingi ng tulong kay God.
4.6) Ulitin mula sa number 1 habang nasa isip na lahat ay kayang gawin ni God.
Normally, dapat 4.5 kagad. Pero madalas kasi hindi ginagawa yun ng karamihan.
Madami pa akong problema. Madami pa kayong problema. Kaya ang next post ko ay tungkol sa mga problema. Hahaha. Ewan ko. Ewan ko na. :D
..may napala ba kayo sa post na ito? Hahaha. Parang walang sinusundan na outline o topic eh. Haha!
Ay. May nakalimutan ako. Wag niyo palang kakalimutang maghanap ng kaibigan kapag may problema kayo. :) At pwede rin yun na topic next next post. :D Hahaha.