Tiwala sa diliiiim..

9:23 PM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.30.09

Hindi ko na alam. Minsan naiisip ko na lang na innate na sa human beings na maging tanga paminsan minsan. Parang hindi natututo sa pagkakamali. Parang yung example nung prof ko sa Spcm1 kanina:

"Ang tao kapag nasa isang relasyon tapos nasaktan, magbrebreak sila. After 3 months (Rule of Break-Ups.), may panibagong ka-relasyon nanaman na "mahal" niya syempre. Tapos after some time, masasaktan uli at makikipagbreak. After 3 months.. Ayun nanaman uli."

Baka sabihin niyo, ang tanga naman nun. Dapat maghanap na lang siya ng hindi makakasakit sa kanya. Oo, tanga nga. Pero sa realidad, malamang sa alamang, madalas nangyayari to. Tipong nagtitiwala tayo uli sa mga nakadapa sa atin.. Parang ganun. Mmm..

Masarap namang magtiwala eh. Kaso nakakatakot din paminsan.. Di mo kasi alam kung pahahalagahan ng mga taong pinagkakatiwalaan mo yung tiwalang nilalaan mo sa kanila.

Ikaw, mapagkakatiwalaan ka ba?

Ako, oo. Lalo na sa mga sikreto mo at mga problema mo. Ewan ko.. Nasanay na kasi akong respetuhin kung hanggang saan lang ako. (WEHH.) Wala, share ko lang. Hehehe.

Wala na. :(

5:37 PM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.27.09

Huhuhu. Wala na. Wala nang nagbabasa ng blog ko. :(
Pero ayos lang siguro. Haha.
Ang purpose naman kasi ata nito ay para marecord yung mga nararamdaman ko.
..or hindi ba ganun yun? :P


Ayoko na mga-aral.
Pero kailangan. :(

Ginaganun. @)

3:02 PM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.24.09

Mmm.. Natutuwa ako sa prof ko sa HUM1. :)
Kaso bored na ko dito sa netshop.

Naramdaman niyo na bang para kayong taken for granted? Yung tipong laruan lang nila kayo.. Ginagawa nila yung gusto nila whether or not sangayon ka o hindi tapos wala silang pakialam masyado sa nararamdaman mo. Mmm.. Wala. Syempre mabait akong bata at naisip ko lang yun itanong sa inyo dba?! Hahaha.

Pero napaisip uli ako. Kasalanan din ng taong ginaganon kung nagpapaganon siya dun sa nanggaganun dba? Haha. Gulo ng mundo. :D

Sige, ttfn.

PH vs SG @_@

3:16 PM / Posted by ana Ü / comments (2)

06.23.09
Napansin ko lang.. Ang dami dami ko kasing naririnig na nagcocompare ng Philippines sa Singapore. Hindi naman sa sinasabi ko na wala silang karapatan na magdiscuss ng mga ganung bagay or wala silang karapatang mag-asam ng mas magandang Pilipinas at mangarap na maging katulad natin ang Singapore. It's just that.. Like I've said before, don't compare yourself to another because you'll only end up comparing their best to your worst. I guess it's sort of the same thing here.

Okay, I know that the Philippines sucks in one way or another; corrupt officials, undisciplined citizens and a whole lot of grumbling from both sides. Sure, I too am hoping for a better Philippines! (I think we all do. Hehe.) Can you imagine walking in Alabang without a single candy wrapper anywhere? Or Alabang having regulated traffic streams? Or Alabang having no beggars on the streets? That'd pretty cool, right? :)

I've heard a lot of people blame the government for everything; for not passing enough laws, for graft and corruption, for their ignorance and plastered faces. Pero come to think of it.. Kasalanan din ng mga citizens dba? Kasalanan ng lahat.

I personally believe that as of now, walang pag-asa ang Pilipinas. But I also believe that God has good plans in mind for the Philippines. Malay natin dba? :) Imma keep my hopes up and keep praying for everything to be rightfully where they should be.

We are older than Singapore but they're more mature. What say you?

Bagong Buwan. :)

5:34 PM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.21.09
Okay. I'm not much of a fan pero I ran into this trailer a while ago.



Oh, Jacob. =))

Sad. :(

6:12 PM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.20.09

Nakaramdam na ba kayo ng urge to be with someone? Like.. Hindi yung sa relationship ah? Bongga yun pag ganun. Yung tipong.. Gustong gustong gusto mo talaga siya maging friend? Kahit na tinapakan ka na niya at one point in time, gusto mo pa rin siya maging friend for some unknown reason? Ako, oo. At nalulungkot ako kasi ayaw niya ko maging friend. Tinataboy niya ko. :( Alam niyo yung feeling ng nagreareach out tas rejected? Haii.. Ansama pala nun.

Syempre secret na kung sino. Pero nakakalungkot talaga.. Dba?

Buti andyan si God. May matatakbuhan ako kahit wala akong friend.

Pers week.

5:49 PM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.19.09
Wuu. Natapos din ang first week sa Elbi. :)

Medyo weird kasi it was both a happy one and a very depressing one. Ohwell. Here goes.. :)

I went there after church nung Sunday to fix my things. Nakasabay ko pa si Erwin at Ichi sa bus! Haha. Pag dating ko, andun na yung bago kong roommate, si Goldie. :D Galing siyang Men's. Nung tinamad na ko humiga, lumabas ako para mag-internet at hinintay si Ate Judie dahil sabay daw kami magdidinner at kukuha ng LIFE shirts. :) Tapos namin makuha yung LIFE shirts, kumain kami sa apt nila sa white house tas hinatid niya ko hanggang dorm. Hehe.

Pagkagising ng Monday, ayun. Busy-busyhan na. :) Pero siyempre, pray muna para masaya. Haha. Pagkatas maligo, deretso sa SU para sa briefing ng mga mag-toutour. Tapos ng tour, muwi ng dorm. Tada! Andun si Merryl. Haha. Close pala sila ni Goldie. Anyway.. Pumuntang Vega bago mag-1 para sa isa nanamang briefing. Tapos punta na ng SU ulit, nang biglang umulan ng napakalakas. :))

Ayun. We ended up going down sa basement ng SU kung saan napaka-inet. Kawawa tuloy yung boses ko at mukhang wala silang naiintindihan. :)) Buti na lang tumila na yung ulan at nakalabas kami para magtour. Tinest lang siguro ni God yung faith namin. :)

Masaya naman yung tour. Dapat hindi dadalhin sa PCC yung mga freshies pero dinala namin sila dun para bumili ng yoghurt. Saya! Tapos ang dami kong nameet na bago. Tapos nun, nakatulog na ko sa dorm. Hehe.

Masaya the next day. Nakapulot ako ng 200 and I decided to treat a group of freshies for some ice cream and fries. Masaya naman yung bonding. :) Tapos hinatid ko sila sa FIL20 nila. Tapos nakipagmeet up na kayla Ichi. Hehe.

The next day, medyo ayos naman. After a looong day na medyo malungkot, nakipagkita ulit ako sa freshies sa SU. Invited ako, saya. Hehe. Mmm.. Umalis din ako kagad para sa Youth Jam. Sad nga eh, naglaro kasi ata sila sa baba. I was with Nax, Tricia, Jem, Kirae, Christine, Cheanrie, Mary and si Steffi ata yun? Hehe. Not so sure. :3 Sorry. Nahihiya pa kong iinvite sila sa YoJam eh. :) Siguro next time. ..at may dinner kami sa monday! Yay! :D

The next day, medyo malungkot na. At ayoko na magkwento. Haha, haba na ng post ko eh. Basta ngayong friday, muwi kagad ng mga 8.40AM at amazingly, I arrived sa bahay at around 10AM. Bilis nga eh.

Ayun, yun na first week ko. Haha.

Laguna day. :)

5:14 PM / Posted by ana Ü / comments (0)

06. 16.09
Today is a very tiring day.
Excited na ko for the rest of the sem.

I'm still burdened by a few past experiences pero I think I can manage. :) Mmm.. I wonder if I can handle Bowling as my PE this sem. Kunsabagay.. I have a lot of days ahead pa naman bago ang first PE session. La kasing pasok sa Friday! It's LAGUNAAAAA DAY. :) Wee.

Sige, take care. :)

Goals 2K9

10:49 AM / Posted by ana Ü / comments (1)

06.13.09
Sabi nila kapag daw nagset ka ng goals, madalas di mo nasusunod. Sa tingin ko depende naman yun sa gusto mo mangyare. Hehe. Di ba? Kaya eto.. Maglilista ako ng goals ko for this sem. :)

1) Lowest grade: 2.25 :)
2) Walang absent
3) Makapagtipid ng 100 50 per week.
4) More friends
5) Gandahan yung sulat
6) Maging mabait na room mate
7) Sulitin ang meals sa canteen

Yeah, yeah. Saya di ba? :D

A lot of things.. ô_ô

9:02 AM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.11.09
Have you ever felt like you've tried everything pero you still end up not being good enough for 2 out of 5 people? Weird, isn't it? Pero as they put it, "You can't please everyone." Mmm.. Alam niyo ba? Ang mga babae daw ang pinakamahirap i-please? Lol. Girls are never satisfied daw sabi ng isang quote. Hahaha. Pero minsan naman hindi eh.. :3 Nature lang talaga ata ng tao na mag-crave for more, more and MORE. Di ba?

Now.. More of the happy thoughts. :)

Aren't you glad that you're alive? Like.. When I go to sleep, I wonder if I'll still be able to wake up the next morning and see the rays of the sun reflecting on our glass windows. And when in fact I do, I feel so happy to be able to wake up to a brand new day. :)

Aren't you glad that you can run, walk, jump, see, hear, talk and laugh? Wow. A lot, huh? Little things.. Pero I wonder what you'd feel if one day, you wake up not being able to move your arms.. That would be like.. Reaaaally scary. If that were to happen to me, I'd probably cry and shout for my mom or brother or dad or whoever is with me. :s

Aren't you glad that you have your parents and siblings with you? ..that you're one complete family even if you're not always in right terms with everyone else? ..that you can come home to a home after a stressful day? ..that you indeed have a home! And that you're living somewhere and not in the streets! Kahit na uber boring sa bahay, at least may bahay! Imagine a life without a home.. Scary, isn't it?

The thing is.. We take some things for granted. No, in fact ~ we take A LOT of things for granted. We pay attention to what we have left rather than focusing on what we have. For some, these two phrases are the same but I believe that they're not. Tsk. Anyway, no one's perfect.

Mmm.. I'm off to do something else. Lapit na pasukan. :D See you soon Los Baños! :)

COMMENT: Parang 'di naman happy thoughts yun ah? Hahaha.

Lamest post ever.

1:07 PM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.10.09
Magandang gawin to Janice. :D HAHAHA.
Kaso mas okay kung may nagtetxt sa akin. :(
Siiige, out na ko. Bbye.

HAPPY BIRTHDAY,
JAMIE BARRIENTOS!!
:)
Next post na yung open letter. Haha.

Gusto ko ng..

1:54 PM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.06.09
Okay.
Na-move yung pasukan namin.
..at ng buong Pinas daw.

This really sucks kasi gusto ko nang pumasok. :(
Pero ano namang magagawa ko 'di ba?!
Wala. Wala akong magagawa.

Bakit ba kasi gustong gusto ko na pumasok?

Uno, dos, tres, let's go.

1) ALLOWANCE. Di para gastusin pero para makapagtipid. Gusto ko gumastos ng bonggang bongga sa isang bagay na makakatulong sa akin. Hahaha. Tipong.. Bagong phone? Haha. :D

2) FRIENDS. I miss my buddies. I miss the gala moments. I miss the tambay moments. I miss the "Anong sagot mo sa number ___?" moments. Dito kasi sa bahay.. Wala. HAHAHA. As in literally wala.

3) MATH. Gusto ko na mag-araaal. :( 'Nuff said.

4) SPCM1. Gusto ko nang matapos 'to. Bwahaha. Plus excited din ako dahil kaklase ko si Yuichi for the first time sa isang GE. :D

5) FAST INTERNET SHOPS. Grabe. The net's always down here.

6) FOOD. Dito, mandatory na kumain ng breakfast and lunch, optional yung dinner. But still, compare naman kapag nasa Los Baños ako diba.. Pag andun, pwedeng hindi kumain buong araw. Hahaha! Papayat ako nuuun. :3

7) FREEDOM. Wala ako nun dito. Doon, meron. Yun lang yun. Wahaha.

Haii.. Bummer.

Gusto ko gumala.
Gusto ko magbball sa timezone.
Gusto ko magStarbucks.
Gusto ko ng Ben and Jerry's.
Gusto ko ng Lasagna.
Gusto ko ng sariling bahay.
Gusto ko ng 100 million pesos.
Gusto ko na tumigil mag-ilusyon.
Ay nde.

Kailangan ko na pala tumigil mag-ilusyon.
Hehehe.

And oh, by the way.. Check this out.
Two thumbs up! :)

Fun, fun, fun. :)

9:42 AM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.05.09
WOOHOO. Saya kahapon. Tambay sa apt ni Yuichi tapos puntang ATC. :D Haha. TIMEZOOONE. Nakalimutan ko man yung card ko na may laman pa, may nadulot naman na maganda. :) May bagong card ang timezone eh ~ Terminator Salvation! I even got a new pen. Hahaha.

The fun ended when I had to go home. Hanggang 6 lang kasi ako. And we left ATC at around 6.30!! Pumunta pa kaming Festival pagkatapos kasikinailangang bumili ni Merryl ng payong. :) Ayun. Nakarating ako ng bahay ng mga 7.45. Haha! Buti hindi ako masyadong pinangaralan ni nanay. Hehe. :3

Well.. That sorta makes up my summer. Haha! Dalwang beses lang ako lumabas in 2 weeks. :D

..and what's more? More? MORE?

HULAAN NIYO KUNG ANONG GRADE KO SA SOSC2!! :))

Well.. Actually, nagpustahan kami ni Merryl sa kung anong makukuha kong grade. Sabi niya, 1.5 daw makukuha ko. Sabi ko, 1.75. Kapag 1.5 ako, lilibre ko siya ng Float pero pag 1.75 ako, lilibre niya ko ng Oreo Sundae. :D Haha! Akalain mo yun? Pagkatingin ko ng grade ko.. Washuung! 1.25 oh! 1.25! HAHAHA! Teka, nasabi ko na ba na 1.25 ang grade ko sa SoSc2?! =)) WOOHOO! Pagbigyan, pagbigyan.. :) This is actually the highest grade na natanggap ko na hindi sa Math! :D

I ♥ Mrs. Saniano. Hahaha. Ohwell. Tigilan na natin to. Haha. Wala naman akong mapapala kung sasabihin ko ulit na 1.25 ako sa SoSc2 eh! : D :D :D 1.25! Hahaha.

Sige na, ititgil ko na for real. :D

WOOH. Pasukan na next week! O.O

Excited, excited. :>

9:09 AM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.03.09
You could do a million things right,
but you'll be forever remembered for that one single mistake.


Okay. Sinong naniniwala dito sa kasabihang ito, itaas ang kamay!

Ang lungkot naman kung totoo yan. Biro mo, kung ano pa yung gusto mong makalimutan nila, yun pa ang maaalala nila tungkol sa'yo. Pero ang tanong.. Anong mistake? Haha. Hindi naman natin maikakaila na madami tayong pagkakamali 'di ba? Lahat ba nung mga mali mo natatandaan nila? O yung mga pinakamabibigat ba na pagkakamali mo? ..o yung mga pagkakamali mo lang na nakakarelate sila slash may kaugnayan sila..?

Hmm.. Aalamin ko muna. Haha. Pero sa kaso ko, hindi lang naman yung pagkakamali yung naaalala ko sa bawat tao. Syempre kung ano ano din yung mga nagawa nilang mabuti sa akin. Pero sort of tama din yung quote. Kasi ako, tandang tanda ko pa din hanggang ngayon lahat ng bad experiences ko with other people.. Yung mga experiences na tinapakan yung pride ko, na niloko ako, binackstab etc etc. Haha. Lahat naman ata tayo, naaalala pa natin yung mga nangyari sa ating masama kaya sa tingin ko, normal lang yun. Di ba? :)

At syempre isa nanaman itong emo slash bitter post sa iba dyan. :D

Wuu. Pupunta na kong elbi bukas para mag-enroll! *smug*

EXCITED NA AKOOOO.

4 years! :O

9:08 AM / Posted by ana Ü / comments (0)

06.01.09
Naranasan niyo na ba yung minsan pakiramdam niyo okay na okay yung buhay nung isang tao at wala na siyang kakailanganin pa? Tas nung nakausap niyo saiya sa text, isang araw, biglang malalaman mo na hindi pala siya okay at ang dami niyang problema and then suddenly you feel a little better for yourself kasi at least hindi ganun ka-grabe yung mga problema mo sa buhay?

Wala naman.. Naitanong ko lang sa inyo. Haha.

Mmm.. After almost 4 years.. Ngayon ko lang narealize kung ano ang problema ko. Hahaha. Pero masyado siyang personal para ishare sa blog na ito. At simula ngayon, unit-unti ko nang susulusyunan yung problema kong yun.

Halong saya at takot yung naramdaman ko nung narealize ko kung ano ang source ng lahat ng pag-eemo ko. Hahaha. Saya kasi at least, alam ko na at may magagawa na ko tungkol dun. Takot, kasi alam kong mahirap na siyang ayusin.

Ohwell. Andyan naman si God eh. :)