07.30.09
Pagod na ko ~ too tired to function.
Pero minsan.. Kailangan lang naman ng onting tulak eh.
Goodnight. O.O
07.21.09
Grabe. Kapagod humabol sa mga lesson. T-T
Kaya ko pa kaya?
Nagkaexam kami sa 101 kanina. Medyo kaya naman. Sana lang tama. Hehe. :)
Mmm.. By the way, dumating na pala tatay ko.
Hi tay! :D
07.15.09
Kumukulog at kumikudlat dito. Takot ako. :(
Mmm.. May gusto akong ishare. :)
Eto ang listahan ng mga gusto kong matanggap/mangyari sana bago matapos ang sem na to. Haha. Medyo weird para sa ilan yung iba pero wala naman akong masyadong pakialam sa iisipin niyo unless iblog niyo rin. :)
1) Makatanggap ng 300 pesos ng walang dahilan.
2) Makatanggap ng isang bouquet ng bulaklak.
3) Makatanggap ng libreng yellow pad na makapal pa.
4) Mabigyan ng ballpen 'pag kinailangan ko.
5) Makatagpo ng isang makikipagkilala na lang bigla.
6) Makatagpo ng isang manlilibre bigla ng Cream-o.
7) Makasama ang B2 sa lima pang block dinner nila.
8) MakapagBowling ng 3 set na sunod sunod.
9) Makapagblock dinner ang block ko.
10) Makakuha ng line of 1 sa Math37 at SpCm1.
11) Makatanggap ng isang yakap na mahigpit 'pag malungkot ako sa mb.
12) Makapagpasaya ng isang malungkot na tao sa fpark.
13) Makapagsabi ng aking saloobin na wala pang nakakaalam.
14) Mapagsabihan ng saloobin ng isang taong nalulungkot.
15) Magliwaliw sa Glorietta kasama ang mga kaibigang tunay.
16) Makapagdesisyon kung mag-oorg pa ko o hindi.
17) Magtampisaw sa ulan. (As in tampisaw. :D)
18) Makapulot ng relo.
19) Makatanggap ng wallet na matino.
20) Makapagpost ng isang entry na may sense, 'di katulad nito. Haha.
21) Magkaron ng hit counter na bumabasa ng eksaktong 4339. Hehe. Hulaan niyo kung bakit.
Wala lang. Impossible naman yung iba dyan kaya 'di na ko masyadong naasa. Moreover, wala namang nagbabasa nito. Hahaha.
Libre naman mangarap. Sa ngayon, nangangarap akong mawala ubo ko. Hehehe.
Sige, ttfn. :)
07.14.09
Wuu. Ngayon lang uli ako nakapagsulat. :) May nakamiss man lang ba kaya sa'kin? Haha. Ako, namiss ko magsulat. Yung mga nakamiss sa'kin, magcomment sa post na 'to. Magcomment ah? Hehe.
WAAH. Dami ko nang hindi natutunan sa school! Wawa naman ako. :( Dami ko aaralin 'pag balik ko sa elbi. Pero ayos na rin siguro. Todo pahinga naman ako dito sa bahay eh. At ang lahat ng kapahingahan, may kapalit na kapaguran. Hahaha.
Nga pala.. Halos lahat na ng friends ko nasa org na. Ako kaya? Eh di kasi ako natuloy sa SAMUP eh. Bakit? Wala lang. Hehehe. Sa SMM kaya? Kaso andun na rin si Ichi. Baka sabihin, gaya gaya ako. Hehe. Ayoko naman sa MASS.
Pero di ko naman pinipilit na makapagorg eh. Ayos na lang din siguro kung wala. Kaso parang dumaan lang ang college life ko kung wala akong gagawing pasubok.. Dba? Parang whoosh! Haha. Pag-iisipan ka muna mabuti.
Sige, ingat kayo!
Sa mga elbi people, see you next week! :)
07.03.09
Kainis. Sarado na yung Pizza Hut kung kailan ako nagcrave for pizza. :(
Pero ayos na lang din. Baka gusto akong magdiet ni God. :P
AHHH! Salamat sa linggong ito! ^^,
Although I feel sort of bad kasi 'di ako nakapanood ng concert ni Acel at 'di ko nasamahan ang mga freshman na inimbita ko dun. Feeling ko nga ay galit sila sa akin eh. :( Huhu. Di ko lang talaga naintindihan nung una na freshie lang ang pwedeng pumasok. Sorry na, sorry, sorry. :(
Anyway.. Excited na ko para sa next week!
Haha. Kasi the week after next week, exam na sa 37! :D
At excited na rin ako kasi pauwi na tatay ko. :) Hehe.

.jpg)
