12.28.11
Napagtanto ko na kahit may sariling diskarte talaga kada personalidad...lahat talaga nahihirapan makalimot. Tipong sinasabi nila "okay lang" o kaya yung dinadaan sa pajoke o sa tawa yung mga nakakalungkot na bagay pero kapag andun ka na sa posisyon na nagrerecap ka ng mga bagay bagay na nangyari sa'yo, di mo maiwasang masaktan deep inside.
Sige, sasabihin ko na yung puno't dulo ng post na ito. Hindi ako sa hindi nakukuntento. Masaya ako na binigyan ako ng pera para pambili nung camera na kailangan ko para sa "thesis" ko. Ang "dinadaing" ko lang ay...yung thought na birthday ko tapos iisa lang labas sa pamilya ko ang may regalo. Hindi naman ako maarte no. Wala lang. Nalungkot lang ako.
Note: Hindi ko pinost to para bigyan niyo ko or anything. Nagshashare lang talaga ako na nalungkot ako na isa lang ang nakaalala bumili ng regalo.
Yung taong yun pa yung least expected na magbigay. Wala, nalungkot lang ako uli kanina habang nasa party ni berting. Sa kanya, madami dami ang nakaalala na magbigay.
O sya...tama na ang ka-emohan. Kailangan ko na magmove on.
Okay na yun. Cycle lang - balik sa unang paragraph

.jpg)

0 comments:
Post a Comment